CAUAYAN CITY – Lumakas pa sa Typhoon Category ang Bagyong Marce.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 590 km silangan ng Baler, Aurora. Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 km/h.
Kumikilos ito pagkanluran hilagangkanluran sa bilis na 30 km/h.
Nakataas na sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ang Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Ilocos Norte, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Nueva Vizcaya partikular sa bayan ng Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Bayombong, Solano, Quezon, at Kasibu, ang northern portion ng Quirino partikular sa bayan ng Diffun, Saguday, Cabarroguis, Aglipay, Maddela at ang northern portion ng Aurora partikular ang bayan ng Dilasag, Casiguran, at Dinalungan.
Dahil naman sa nasa Typhoon Category na ang Bagyong Marce kung kayat posibleng itaas ang Signal Number 4 mga lugar na tatamaan ng sentro ng bagyo.
Kung hindi magbabago ang forecast ng PAGASA, posibleng maglandfall ang bagyo sa Babuyan Islands o hilagang bahagi ng Cagayan sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng madaling araw.
Gayunman, hindi pa inaalis ng weather bureau ang posibilidad na magbago pa ang diresyon ng bagyo.