--Ads--

Nagkasundo sina Mike Tyson at Floyd Mayweather Jr. sa pansamantalang lokasyon at petsa para sa kanilang exhibition fight.

Ayon sa mga ulat, gaganapin ang laban sa Democratic Republic of Congo, Africa, sa April 25, 2026. Ang Kinshasa, dating Zaire, ay kilala sa “Rumble in the Jungle” noong 1974 kung saan nagharap sina Muhammad Ali at George Foreman para sa heavyweight championship.

Si Mike Tyson na may rekord na 50 wins, 7 losses at 2 no contests, ay huling nakipaglaban kay Jake Paul noong November 15, 2024. Natalo siya sa walong-round na laban sa pamamagitan ng unanimous decision at huling nanalo noong February 22, 2003 laban kay Clifford Etienne.

Si Floyd Mayweather Jr. Naman ay may rekord na 50 wins and 0 losses, at huling nakipaglaban kay John Gotti III noong August 24, 2024. Ito ang ikawalong exhibition match na kanyang nilahukan mula nang magretiro na undefeated matapos talunin si Conor McGregor noong August 2017.

--Ads--

Ang laban ay unang inanunsyo noong September 2025, ngunit kakaunti lamang ang detalye tungkol sa event. Nang inanunsyo ang laban ni Mayweather kontra kay Mike Zambidis sa June 27 sa Athens, Greece, nagkaroon ng alinlangan kung matutuloy ang exhibition fight.

Ayon kay Tyson, mangyayari ang laban at hindi niya ito isusuko matapos siyang hamunin ni Mayweather.