--Ads--

Isang driver ng U-Haul truck ang umano’y sumagasa sa isang grupo ng mga protesters sa isang anti-Iran regime rally sa Los Angeles nitong Linggo ng hapon, kung saan hindi bababa sa dalawang katao ang nasugatan. Nakunan din ng video ang magulong insidente na naganap sa Westwood area.

Ayon sa pulisya, tinatayang nasa 3,000 katao ang nagtipon sa nasabing demonstrasyon bandang alas-3:40 ng hapon nang biglang pumasok ang U-Haul truck sa gitna ng mga nagpoprotesta. Ang trak ay may mga nakasulat na mensahe na pumapabor sa Iran regime sa magkabilang gilid nito.

Makikita sa mga kuhang video na agad pinalibutan ng mga nagpoprotesta ang trak habang mabilis na tumitindi ang tensyon sa lugar. Ang pagtitipon ay isinagawa bilang pakikiisa sa mga protesters sa Iran, kasunod ng ulat ng marahas na pagpatay sa mahigit 500 anti-regime activists sa nasabing bansa.

Kinumpirma ng pulisya na hindi bababa sa dalawang indibidwal ang nabangga at nagtamo ng minor injuries, ngunit tumanggi ang mga ito na dalhin sa ospital, ayon sa Los Angeles Fire Department.

--Ads--

Agad namang  inaresto ang driver ng U-Haul, na hindi pa pinapangalanan ng mga awtoridad. Nakunan din sa video ang paghatak ng mga pulis sa suspek palabas ng sasakyan habang sinubukan umano siyang pagsusuntukin ng ilang galit na protesters na ang iba ay gumamit pa ng flag pole.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.