Kinondena ng Estados Unidos ang umano’y agresibo at ilegal na kilos ng China Coast Guard laban sa mga mangingisdang Pilipino sa Sabina Shoal.
Ayon kay U.S. Ambassador MaryKay Carlson, ang mga aksyong ito ay nagbabanta sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipino.
Kabilang sa mga insidente ang paggamit ng water cannon at pagputol ng anchor lines.
Samantala, pinuri naman ng U.S. ang Philippine Coast Guard sa pagtulong sa mga mangingisda at sa pagtatanggol ng soberanyang karapatan ng bansa.
Matatandaang tatlong Pilipinong mangingisda ang nasugatan matapos atakihin ng mga barko ng Chinese Coast Guard at Chinese maritime militia ang mga bangka ng Pilipino gamit ang water cannon at delikadong blocking maneuvers malapit sa Escoda Shoal sa loob ng Philippine exclusive economic zone noong Disyembre 12.











