--Ads--

CAUAYAN CITY– Itinuturing na biyaya ng Department of Agriculture region 2 ang ulan na dala ni Bagyong Ambo na nagdulot ng bahagyang pagtaas ng lebel ng tubig sa Magat Dam at  Cagayan River.

Sa naging panayam ng Bombo  Radyo  Cauayan,  inihayag ni  Ginang  Rose  Mary G. Aquino, OIC  Regional Technical Director for Research and Regulations ng DA region 2,  sinabi nito na walang  pinsala na idinulot ng nasabing sama ng panahon sa  sektor ng agrikultura.

Itinuturing anya ngayon ng kanilang tanggapan na biyaya  ang pagbuhos ng ulan na dulot ng nasabing bagyo  dahil matagal  na  panahon na hinintay ang  pag-ulan  kung saan naging kapaki-pakinabang sa sektor ng  agrikultura.

Bago pa man manalasa ang nasabing bagyo ay nakapaghanda na ang kanilang tanggapan ngunit laking pasasalamat nila dahil nakatulong sa mga magsasaka ang ulan na dala ng bagyong Ambo.

--Ads--
Tinig ni Gng.  Rose  Mary G. Aquino, OIC  Regional Technical Director for Research and Regulations DA region 2,

Samantala, nagpapatuloy din  ang kanilang pamamahagi ng libreng binhi  ng palay at mais na may layuning  mabawasan ang gastusin ng mga maliliit na magsasaka