--Ads--

CAUAYAN CITY –  Habang papalapit ang bagong taon ay nadagdagan pa  ng tatlo ang biktima ng paputok sa ikalawang rehiyon  batay sa naitalang datus ng Department of Health (DOH) region 2.

Lango sa alak ang 18 anyos na lalaki na naputukan ng kuwitis habang ang dalawang biktima ay mula sa Lallo, Cagayan na kinabibilangan ng 9 anyos at 12 anyos na naputukan ng Boga at Watusi.

Ang mga biktima ay kaagad na nilapatan ng lunas sa mga pagamutan.

Nauna rito sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mr. Jericho Bryan Cabototan, kasapi ng pulse section ng DOH Region 2, ay kanyang kinumpirma na 7 ang naging biktima na ang pinakabata ay 7 anyos at ang pinakamatanda ay 58 anyos.

--Ads--

Inihayag pa ng DOH region 2 na mayroon pa silang vina-validate na mga biktima ng paputok sa mga lalawigan Nueva Vizcaya at Quirino.

Dahil dito nagpaalala ang DOH region 2 sa mga mamamayan na mag-ingat sa paggamit ng mga paputok at kung maari ay iwasan na lamang ang paggamit nito sa pagsalubong ng bagong taon.