--Ads--

CAUAYAN CITY- Sumampa na sa 767 heads na ang culled na baboy ng Provincial Veterinary Office mula sa siyam na Bayan at 47 Barangays.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Veterinarian Dr. Belina Barboza, sinabi niya na naidagdag sa bayan na nakapagtala ng kaso ng african Swine Fever ay ang Cabagan at San Mateo Isabela.

Sa nagayon apektado na ang ASF ang nasa 182 pig raisers sa buong Lalawigan ng Isabela.

Sa kabila ng mga naitatalang kaso ay nanatiling kontrolado ang mga kaso at ang huling reported case ay noon pang November 19,2024.

--Ads--

Batay sa obserbasyon ng Provincial Veterenary Office na madalas nagkakaroon ng kaso tuwing kananaranas ng sunod sunod na pag-ulan at kung kukunan ng blood samples ang mga baboy ay agad itong nag popositibo.

Ayon kay Dr. Barboza kung nais ng mga negative na Bayang na mag biyahe ng baboy ay dapat maipakita muna ang negative result ng ASF, kasama ng Inspection certificate at Veterenary Health Certificate upang mapatunayang ASF free ang baboy.

Samanatala, tuloy tuloy naman ang pagpapatala nila ng indemnity claims para sa mga apektadong hog raisers kung saan ang mga kwalipikado ay maaaring makatanggap ng 12,000 pesos per head para sa Breeders, Fattener na 8,000 pesos per head habang ang starter ay 4,000 pesos per head.

Wala namang matatanggap na anumang tulong ang mga hog raisers na hindi nag report na namatayan ng baboy.

Tiwala naman ang Provincial Veterenary Office na nanatiling sapat ang tustus ng baboy sa Lalawigan ngayong kapaskuhan.