--Ads--

CAUAYAN CITY– Umabot na sa 103 ang COVID-19 related deaths sa Nueva Vizcaya na karamihan ay mayroong comorbidities.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya, pumalo na ngayon sa 103 katao ang COVID-19 related deaths at karamihan sa mga ito ay may komplikasyon at may edad na.

Mula sa kabuoang bilang ng mga nasawi ay naitala sa Bayombong ang may pinakamaraming nasawi na 27, sinundan ng Solano na may 26 at Bambang na may 18 .

Sumampa na sa 3,880 ang Total Confirmed Case ng Nueva Vizcaya 3,427 ang Recovered habang 350 naman ang aktibong kaso .

--Ads--

Patuloy ang pagsasagawa ng Bakuna kontra Covid19 ng Provincial Health Office o PHO at unang isinailalim sa vaccination program ang mga Comorbidities at Senior Citizens lalawigan.

Umaasa ang Provincial Health Office na magpapatuloy pa ang Rollout ng bakuna sa probinsiya na ipinagkaloob ng DOH Central Office National.