CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 22 ang nagpositibo sa COVID 19 makaraang madagdagan ng isa pa na nagpositibo sa region 2 .
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Leticia Cabrera, OIC Asst. Regional Director ng DOH Region 2 na naidagdag si PH3098, 50 anyos na lalaki na residente ng Lunsod ng Tuguegarao.
Si PH3098 ay mayroong history nang travel sa Metro Manila noong March 11, 2020 kung saan nakaranas siya ng konting lagnat, ubo at sore throat noong March 18, 2020 .
Dahil dito nagpakonsulta siya sa CVMC noong March 26, 2020 ngunit nasa stable nang kalagayan kayat isinailalim sa home quarantine.
Samantala, kabuoang walong COVID Positive ang lumabas na sa pagamutan makaraang mag-negative sa mga sumunod na COVID test at umuwi na sa kanilang mga tahanan na sasailalim pa rin sa strict home quarantine.
Sa ngayon ay nanatiling, lima ang naitalang positive sa Isabela, tatlo sa Nueva Vizcaya habang labing apat na kaso ang naitala sa Tuguegarao City at Cagayan.
Nanatili namang COVID free ang mga lalawigan ng Quirino at Batanes sa Region 2.










