CAUAYAN CITY– Naidagdag ang 2 health worker at isang lalaki ang panibagong nagpositibo sa COVID 19 region 2
Dahil dito ay umakyat na sa lima ang panibagong kaso ng COVID 19 sa rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Leticia Cabrera OIC Asst. Regional Director ng DOH region 2 na ang dalawang naunang naitalang panibagong kaso ng COVID ay nasa mabuti nang kalagayan.
Sinabi ni Dr. Cabrera na ang tatlong panibagong kaso ng COVID 19 ay dalawa mula sa Cagayan at isa mula sa Nueva Vizcaya
Isang 25 anyos na lalaki, residente ng Aritao Nueva Vizacaya ang panibagong kaso.
Ang pasyente ay nakaranas ng sipon at lagnat kaya nagpakonsulta sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital na kalaunan ay naipasakamay sa Region 2 trauma and medical Center sa Bayombong, Nueva Vizcaya.
Habang nagpositibo sa COVID 19 ang dalawang babaeng health worker sa Cagayan na kinabibilangan ng isang 35 anyos na residente ng Ballesteros, Cagayan ngunit naninirahan sa Tuguegarao City.
Siya ay nakaranas ng pananakit sa lalamunan, ubo at sipon.
Ang isa pang health worker ay 53 anyos, residente ng Tuguegarao City at walang sintomas na nararamdaman.
Ang dalawang health worker ay ginagamot ngayon sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC)
Nauna rito ay mahigit dalawang linggo ring naging COVID free ang region 2 subalit muling nakapagtala ng 2 positibo noong araw ng Sabado at 3 ngayong araw.
Dahil dito umakyat na rin sa 34 na ang kaso ng COVID Positive sa region 2 at 5 na lamang ang ginagamot sa ospital.










