--Ads--

CAUAYAN CITY- Kasalukuyang gumagawa na ng verification ang pamunuan ng 5th Infantry Divison Philippine Army kaugnay sa ilang impormasyon ng umano’y extortion sa ilang indibiduwal, negosyante at ilang opisyal ng Barangay sa kanilang nasasakupan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Melvin Asuncion ang DPAO Chief ng 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya na nitong nakaraang Linggo ay nakakatanggap sila ng ulat kaugnay sa ilang extortion activities na pinupuntirya ang mga bahay kalakal.

Matatandaan na unang nakapanayam ng Bombo Radyo Cauayan ang Barangay kapitan ng Villa Cruz, San Mateo, Isabela kung saan inilahad niya na nakakatanggap siya ng tawag mula sa mga extortionist na humihiling ng 40,000 pesos at sasakyan.

Makakailan lamang din ng makatanggap ng ulat ang 5th ID kaugnay sa isang Commander Vienvenido Magalad kasama ang umano’y mga recruit ng NPA sa bahagi ng Bayombong, Nueva Vizcaya, mayroon ding nagpapakilala bilang Supremo Agila.

--Ads--

Paalala ng militar sa publiko na kung may matatanggap na tawag, text, sulat o anumang uri ng mensahe mula sa mga nagpapakilalang miyembro ng New People’s Army ay huwag basta bastang maniwala at huwag magpapadala sa takot.

Pinapayuhan ang bawat isa na agad na mag tungo sa himpilan ng Pulisya o sa Philippine Army para ma-berepika ang pagkakakilanlan ng mga nasabing indibiduwal na nasa likod ng pangingikil o pananamantala dahil sa palapit na halalan.

Aminado sila ng hindi na ito bago gayunman ay mananatili ang kanilang monitoring  partikular sa pangongolekta ng permit to win at permit to campaign, una naring binigyang diin ng Philippine Army na mahina na ang pwersa ng NPA at wala ng kakayahan na makagawa ng mga ganitong hakbang.

Naniniwala ang Philippine Army na posibelng ibang tao ang nasa likod ng umano’y  extortion activities na pilit nag-papanggap bilang komander o miyembro ng NPA para lamang maka-pangikil.