--Ads--

Ibinahagi ng Comission on Election (Comelec) Cauayan City na payapa ang pagsisimula ng kampanya sa lungsod dahil nakasunod ang mga kandidato sa paglalagay ng campaign materials sa common poster areas.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Johanna Vallejo, City Election Officer, sinabi niya na sa isinagawang Oplan Baklas kanina simula Brgy. Tagaran hanggang Brgy. Alinam Cauayan City ay tanging ang mga campaign materials lamang ng mga national candidates ang kanilang nakumpiska.

Ang mga dating karatula o poster ng mga kandidato noong sila ay aspirants pa lamang, tulad na lamang ng mga pagbati ng “merry christmas, happy new year, at happy valentines na nakalagay ang kanilang mga larawan at pangalan” ay tinanggal na aniya ng mga supporters ng mga kandidato kaya wala ni isang campaign materials ang nakumpiska ngayong araw.

Dagdag pa ni Atty. Vallejo, nakasunod rin sa standard size ang mga kandidato na nagpapakita lamang ng pagiging disiplinadong leader ng mga ito.

--Ads--

Umaasa ang tanggapan na magpapatuloy ang magandang simula ng pangangampanya at inaasahang magiging payapa ang halalan ngayong taon.

Patuloy pa rin aniya ang kanilang pag-iikot ikot upang matiyak na sa common poster areas lamang nakalagay ang mga tarpaulin o anumang karatula na maiuugnay sa pangangampanya.

Sa ngayon ay nagpapatuloy naman ang ginagawang inventory ng Comelec upang malaman ang kabuoang bilang ng mga nakumpiskang campaign materials ng national candidates.