--Ads--

Natuklasan ng isang lokal sa Solana, Cagayan ang kauna-unahang fossil ng stegodon skull sa Pilipinas. Inilarawan ito ng mga paleontologist mula sa UP Diliman at University of Wollongong sa Australia bilang isang napakabihirang hayop na kamag-anak ng modernong elepante.

Sina Meyrick Tablizo, Dr. Allan Gil Fernando (UPD-CS NIGS), at Dr. Gerrit van den Bergh ang nagsagawa ng pag-aaral sa fossil na tinatayang milyon-milyong taon na.

Bihira ang ganitong fossil dahil madaling masira ang bungo bago pa ito maging fossil. Kadalasan, ngipin at pangil lang ang natatagpuan.

Ang natuklasang skull ay may buo pang ngipin at dalawang maliit na pangil kahit ito’y durog at deformed.

--Ads--

Pinaniniwalaang “teenager” pa ang stegodon na ito, bahagyang mas matangkad sa karaniwang Pilipino. Ayon sa mga eksperto, malalakas silang lumangoy at nakakatawid ng dagat kahit walang land bridges.

Ang skull ay nagbibigay ng impormasyon kung saan galing ang hayop at paano ito nakarating sa Pilipinas. May tatlong uri ng stegodon sa Luzon: malaki, maliit (dwarfed), at intermediate.

Paalala sa Publiko Kung may makitang fossil, makipag-ugnayan sa Nannoworks Lab, Paleontological Society of the Philippines, o National Museum para ito’y maayos na mapag-aralan at mapreserba.

Ang kanilang pag-aaral ay inilathala sa journal na Palaeogeography, Palaeoclimatology, Palaeoecology.