CAUAAYAN CITY- Nagpapatuloy parin ang pamamsada ng ilang unconsolidated jeepneys ng bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) Chairman Mody Floranda sinabi niya na mahigpit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRFB) sa panghuhuli ng iba’t ibang violations sa mga namamasadang jeepneys.
Aniya madalas na hindi na natutubos ang mga nahuling unconsolidated jeepney o di kaya hindi na ibinabalik ang mga lisensya ng mga driver.
Ang ganitong hakbang aniya ng LTFRB ay isang malinaw na paglabag sa karapatan ng mga driver at operators.
Bilang hakbang ay bumuo ang PISTON ng Paralegal team para humihingi ng paliwanag sa mga enforcer kung bakit sila kailangan na huliin.
Muli niyang binigyang diin ang PUV consolidation ay hindi pa isang batas kundi isang excecutive order lamang subalit ang DOTr at LTFRB ang tumututol sa pagrenew ng parangkisa ng mga umanoy unconsolidated jeepney units.
Makailang ulit naring binigyang diin ng PISTON ang inaasahang pagbulusok ng ekonomiya oras na tuluyang ipatigil ang pamamasada ng mga unconsolidated driver operators.