Magreretiro na sa boxing ang undefeated world super middleweight champion na si Terence Crawford.
Sa pamamagitan ng isang video sa internet, inanunsyo ng 38-anyos na Nebraskan boxer ang kanyang pagreretiro, tatlong buwan matapos ang kanyang panalo laban sa Mexican legend na si Saul “Canelo” Alvarez, kung saan dinomina ni Crawford ang kanilang laban.
Sinabi ni Crawford na magreretiro siya dahil nais niyang tapusin ang kanyang karera sa paraang gusto niya.
Ang boxingero ay may rekord na 42-0, 31 knockouts, kung saan hawak niya ang mga titulo sa WBA, IBF, at WBO super middleweight matapos talunin si Alvarez sa pamamagitan ng unanimous decision.
Ang karera ni Crawford ay umabot sa tatlong dekada, simula nang mag-debut siya bilang professional boxer noong 2008.
Nakuha naman niya ang kanyang unang kampeonato noong 2014 nang talunin ang boksingerong si Ricky Burns ng Scotland dahilan upang masungkit nito ang WBO lightweight title.
Sa kabuuan, magreretiro si Crawford na nagwagi ng 18 world titles at kailanman ay hindi na-knockdown sa alinmang laban.
Samantala, lahat ng kanyang 42 panalo ay nagmula sa unanimous decision o stoppage, at sa buong karera niya, wala ni isang hurado ang nagbigay ng puntos na pabor sa kanyang mga kalaban.






