--Ads--

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa 2.03 milyon noong Agosto 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkules, ika-8 ng Oktubre.

Ito ay katumbas ng unemployment rate na 3.9%, mas mababa kumpara sa 5.3% noong nakaraang buwan.

Ibig sabihin nito, 39 sa 1,000 indibidwal ang walang trabaho o kabuhayan noong Agosto.

Samantala, bumaba rin sa 10.7% o  5.38 milyon ang bilang ng mga underemployed sa kaparehong buwan mula dating 14.8% noong Hulyo.

--Ads--

Malaki naman ang pagtaas ng employment rate noong Agosto sa 96.1% o katumbas ng 50.10 milyong Pilipino na may trabaho.

Base sa datos ng PSA, pinakamalaking nakapag-ambag sa kabuuang employment na nasa 61.5% ay sa sector ng agrikultura na nasa 20.4% at sa industriya na nasa 18.1%.