--Ads--

CAUAYAN CITY – Ikinatuwa ng Riders Federation sa region 2 ang pagsuspinde ng Land Transportation Office (LTO) sa pagpapatupad sa Doble Plaka Law.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong John Allam, Secretary General ng United Riders Federation of the Philippines, sinabi niya na natutuwa sila sa naging hakbang ng LTO dahil pabor ito sa kanila na tutol sa batas na pangunahing isinulong ni Senador Richard Gordon.

Batay aniya sa LTO, sinuspinde ito dahil wala talagang mapaglagyan ng plaka sa harap ng motorsiklo.

Gayunman, hindi pa rin sila kampante at sakali mang itutuloy ito ay maghahain sila ng Temporary Restraining Order (TRO) sa korte.

--Ads--

Dagdag pa ni ni Ginoong Allam na may plano rin silang magsagawa ng kilos protesta at hinihintay lamang nila na matapos ang community quarantine.

Sinabi pa ni Ginoong Allam na ang labis nilang tinututulan sa Doble Plaka Law ang malaking multa na 50,000 hanggang 100,000 at maaari pang makulong ang lalabag sa batas.

Ang pahayag ni Ginoong John Allam