--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinaluhan  ng mga kandidato, mga  kasapi ng Tactical operations Group 2 ng Philippine Airforce,  mga myembro ng Cauayan City Advocacy Support Groups, Force Multipliers at iba pa ang ginanap ang Unity Walk/Caravan at Candidates Forum at paglagda ng  Peace Covenant na pinangunahan ng Comelec Cauayan City Police Station.

Nagsimala ang Unity Walk sa Brgy. District 3 hanggang sa F.L. DY Coliseum at bahagi  ng programa ang paglabagda sa Integrity Pledge, Candidates Manifesto at ang pag-awit ng “Pilipinas Kong Mahal” hymn.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jerbee Cortez,  City Election Officer, sinabi niya na ang layunin ng aktibidad ay upang mapagbuklod ang mamamayan pangunahin na ang mga kandidato, tagasuporta, botante at buong komunidad upang magkaroon ng maayos at payapang halalan sa lunsod ng Cauayan.

Aniya nangako ang mga dumalong kandidato na walang mangyayaring dahas sa nalalapit na pagsisimula ng kampanya at umaasa siya na susunod sila  sa itinakdang panuntunan ng Comelec.

--Ads--
Ang bahagi ng pahayag ni Atty. Jerbee Cortez.