--Ads--

CAUAYAN CITY– Maliban sa mga mag-aaral na galing sa region 2 ay dinaluhan din ng mga mga estudyante mula sa Japan, Korea, Cambodia, Africa at Afghanistan ang Unity Walk for Purity sa Cauayan City.

Mahigit 350 na estudyante mula dito sa Region 2 ang lumahok sa Unity Walk for Purity.

Pangunahing ipinanawagan ng mga kabataan ang pag-iwas sa masamang gawain.

Laman ng kanilang hawak hawak na placard ang kahalagahan ng moralidad ng mga kabataan.

--Ads--

Ang nasabing Unity Walk for Purity ay pinangunahan ni Rev. Julius Malicdem, Chairman of the Universal Peace Federation ay bilang bahagi ng unang Regional Youth Congress na isinasagawa sa Cauayan City.

Maliban sa mga kabataan ay nakiisa rin ang mga kawani ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni City Mayor Bernard Dy.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Rev. Malicdem, sinabi niya na ang kanilang ginawa ay tinatawag na Pure Love March na isang kampanya upang maisabuhay muli ng mga kabataan ang pagiging dalisay bago sila pumasok sa buhay may-asawa.