CAUAYAN CITY- Tatlo ang namatay makaraang malunod sa naganap na pagtaob ng kanilang sinasakyang bangka sa Palanan, Isabela.
Ang mga nalunod ay sina Mylene Silva na residente ng Bataan Province, Joel Tuppil at Dimasalang Valenzuela na kapwa residente ng Cauayan City.
Ang nawawalang pasahero ay si Ronald Silva na residente ng probinsiya ng Bataan.
Nauna rito ang limamput tatlong pasahero na kasapi ng Iglesia ni Cristo ay sakay ng MV Jamil na pag-aari ni Roger Sahagon ng Dilasag Aurora, Isabela at ang Boat Captain ay si Mansio Dela Cruz ng Culasi, Palanan.
Ang mga pasahero ay galing sa Palanan, Isabela para sa kanilang pagtitipon at pauwi na sa Dilasag, Aurora nang hampasin ng malalakas na alon ang sinakyan nilang bangka.
Bumuo na rin ng composite team kina kinabibilangan ng mga kasapi ng INC, PNP, Philippine Army at CAFGU upang iligtas ang mga pasaherong napadpad sa dalampasigang sakop ng Palanan, Isabela.




