--Ads--

CAUAYAN CITY – Binuksan na ang isang lane ng daan papunta at palabas ng Region 2 partikular sa Caranglan, Nueva Ecija matapos ang ilang oras ng na pagkakasara bunsod ng pagguho ng lupa na dala ng patuloy na pag ulan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Senior Inspector Danilo Liberato, hepe ng PNP Carangalan na salitan ang usad ng mga sasakyan patungong timog at kanlurang direksyon dahil sa patuloy na clearing operation ng DPWH.

Aniya, tatagal pa ng ilang minuto bago tuluyang bumalik sa normal ang daloy ng trapiko.

--Ads--

Magugunita na ganap alas kwatro ng hapon ng mastranded ang mga sasakyan sa Nueva Vizcaya at Nueva Ecija sa landslide sa Barangay Puncan, Caranglan, Nueva Ecija na dulot ng patuloy na pag-uulan.

Hiningi naman ni PSI Liberato ang pang unawa ng mga motorista sa sitwasyon ng nararanasang trapiko sa nabanggit na lugar.