CAUAYAN CITY- Nanaksak sa loob ng bilangguan ang isang magsasakang nauna nang nag-amok at nanaga sa loob ng pampasaherong bus sa Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ang suspek ay si Roger Gayola, 39 anyos, magsasaka na residente ng San Juan, Boguey, Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Jonathan Ilay, hepe ng Bayombong Nueva Vizcaya, dinala nila sa sa loob ng selda ang suspek na si Gayola matapos nanaga ng dalawang tao sa loob ng pamsapaherong bus.
Habang nasa loob ng bilangguan si Gayola ay sinaksak niya ang isang inmate gamit ang isang tinidor.
Sa ngayon ay naka-isolate ang suspek upang hindi na maka-panakit ng kapwa bilanggo at maging ang kanyang sarili.
Nauna rito si Gayola ay sakay ng Florida bus nang biglang pagtatagain ang mga biktima na sina Nathaniel Butial na residente ng Reina Mercedes, Isabela at Elvis Saturno ng Santa Teresita, Cagayan.




