--Ads--

CAUAYAN CITY – Tuluyan nang sinampahan ng kaso ang isang lalaki nagpanggap na kasapi ng NPA na unang nadakip sa entrapment operation ng PNP-CIDG matapos kikilan ang isang barangay kagawad.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Insp. Ruben Martinez, hepe ng Echague Police Station, isinampa ang kasong paglabag sa RA 10591 o New Firearms Law at robbery-extortion laban sa suspek na si Ronald Francisco, 27 anyos, may asawa at residente ng Purok 3, Villa Victoria, Echague, Isabela.

Ang kasong robbery-extortion ay nasa 100,000 pesos ang inilaang pyansa ng hukuman habang nasa 200,000 pesos naman sa kasong paglabag sa RA 10591.

Magugunita na si Francisco ay dinakip dahil sa pangingikil kay Brgy. Kagawad Jun Flores, 39 anyos, isang negosyante at residente ng Pangal Sur, Echague, Isabela.

--Ads--

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na hinihingan umano ng suspek ng 100,000 pesos pera ang biktima kapalit ng buhay ng kanyang pamilya.

Maliban marked money ay nakuha rin sa pag-iingat ni Francisco ang cal. 38 na baril na may 5 bala at isa pang cellphone na ginagamit sa kanyang transaksyon.