Napagkasunduan ng Estados Unidos at mga kaalyado nitong bansa ang pagtatayo ng mga pasilidad para sa paggawa ng ammunition sa Pilipinas.
Batay sa inilabas na joint statement ng Pentagon o U.S. Department of Defense, napagkasunduan ng mga bansang kasapi ng Partnership for Indo-Pacific Industrial Resilience na bumuo ng bagong programa para sa paggawa ng solid rocket motors.
Kabilang din dito ang pagtatatag ng pasilidad para sa paggawa ng 30-millimeter cannon rounds na karaniwang ginagamit ng military aircraft at ground vehicles.
Itinatag ng Estados Unidos noong Mayo 2024 ang naturang partnership na may layuning palakasin ang kooperasyon sa paggawa ng mga armas at kagamitang pangdepensa sa Asia-Pacific.
Layunin din nitong matiyak ang sapat na suplay at agarang availability ng military equipment sa mga lugar na maaaring mangailangan nito.
Samantala, patuloy pang kinukunan ng pahayag ang Malacañang kaugnay sa nasabing kasunduan.








