Iniulat ni JD Vance nitong Linggo (Abril 12) na nabigong makabuo ng kasunduan matapos ang 21-hour talks sa pagitan ng United States at Iran sa Islamabad.
Sa kanyang pagharap sa media, sinabi ni Vance na aalis ang US delegation na kanyang pinamunuan nang walang agreement, at sinisi ang Iran sa hindi pagtanggap ng key terms ng Washington.
Ayon sa kanya, hindi nakita ng US ang kagustuhan ng Tehran na ihinto ang uranium enrichment, at iginiit na kailangan ng affirmative assurances na hindi magpupursigi ang Iran sa nuclear weapons.
Dagdag pa ni Vance, nanatiling flexible ang United States sa buong negosasyon at naglatag na ito ng tinawag niyang final proposal. Sa isang news conference, sinabi niya: “We were quite accommodating… but we weren’t able to make any headway.” Aniya, isa sa pangunahing isyu ang pagtanggi ng Iran na talikuran ang nuclear program nito.
Samantala, sinabi ng Iran Foreign Ministry na nananatiling sentro ng kanilang strategy ang diplomacy matapos ang intensive negotiations sa Islamabad. Ayon sa kanila, tinalakay sa naging pag-uusap sa pagitan ng US ang mga key issues tulad ng Strait of Hormuz, nuclear matters, sanctions relief, at war-related grievances.
Binigyang-diin ng Iran na determinado itong ipagtanggol ang national interests at historical rights habang ipinagpapatuloy ang diplomacy. Iginiit din nito na ang progreso ng usapan ay nakadepende sa seriousness, good faith, at pagtanggap ng kabilang panig sa kanilang legitimate concerns at demands.
Samantala, sinabi naman ni US President Donald Trump nitong Sabado (Abril 11) na hindi siya nababahala sa magiging resulta ng US-Iran talks. Ayon sa kanya, “Whether we make a deal or not makes no difference… We win regardless,” at iginiit na lamang ang United States sa sitwasyon.





