--Ads--

Ipinahayag ni Pangulong Donald Trump na magpapadala siya ng tropang militar sa Portland, Oregon upang protektahan ang mga pasilidad ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) na umano’y nanganganib mula sa mga grupong gaya ng Antifa.

Ayon sa kanya, ito ay tugon sa kahilingan ng Department of Homeland Security. Hindi pa malinaw kung anong tropa ang ipapadala at ano ang sakop ng “full force” na binanggit niya.

Ito ay bahagi ng serye ng aksyon ni Trump na gamitin ang militar laban sa krimen sa mga lungsod na pinamumunuan ng mga Demokratiko, gaya ng Los Angeles, Washington D.C., at Chicago.

Mariing tinutulan ng mga lokal na opisyal sa Oregon ang plano, iginiit nilang ligtas ang kanilang komunidad at walang banta sa pambansang seguridad.

--Ads--

Dumating ang anunsyo matapos ang pamamaril sa isang ICE facility sa Dallas, Texas na ikinasawi ng isang detenido at ikinasugat ng dalawa pa.