--Ads--

Nagbabala si Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos nitong Biyernes na tutulong ang Washington sa mga nagpoprotesta sa Iran kung papuputukan sila ng mga pwersa ng seguridad, sa gitna ng malawakang kaguluhan na itinuturing na pinakamalaking banta sa rehimen sa nakalipas na mga taon.

Matatandaang noong Hunyo, tinarget ng U.S. at Israel ang mga nuclear facility ng Iran, kabilang ang mga lider militar ng Tehran.

Dahil dito nagbabala si Ali Larijani, mataas na opisyal ng Iran, na ang pakikialam ng Amerika sa panloob na usapin ng bansa ay magdudulot ng destabilisasiyon sa buong rehiyon dahil patuloy na sumusuporta ang Iran sa mga grupong armado sa Lebanon, Iraq, at Yemen.

Matatandaan na nagsimula ang kilos-protesta dahil sa matinding inflation at pagbagsak ng halaga ng rial.

--Ads--

Sa kasalukuyan hindi bababa sa anim na katao ang nasawi mula Miyerkules, kabilang ang isang kasapi ng Basij paramilitary.

Ayon sa mga video na nagkalat online na makikitang nagtipon ang mga tao sa harap ng nasusunog na gusali habang may mga putok ng baril at sigawan laban sa awtoridad.


Ayon sa grupong pangkarapatang pantao na Hengaw, 29 katao ang naaresto kabilang ang mga kababaihan, bata, at mga etnikong Kurds at Lors.

Tatlong nagprotesta ang napatay at 17 ang sugatan sa pag-atake sa isang himpilan ng pulisya.

May mga ulat din ng pagkamatay sa Lordegan (Chaharmahal at Bakhtiari), Kuhdasht (Lorestan), at Isfahan.


Ang mga pag-atake ng U.S. at Israel noong nakaraang taon, kasama ang pagbagsak ng rehimen ni Bashar al-Assad sa Syria at paghina ng Hezbollah sa Lebanon, ay nagdagdag ng presyur sa Tehran habang patuloy na aktibo ang mga grupong kaalyado ng Iran sa Iraq at Yemen na umatake sa mga pwersa ng U.S.