--Ads--

Iniulat US Pres. Donald Trump ang malawakang pambobomba sa mga military target sa Kharg Island sa Iran, isang estratehikong lugar kung saan dumadaan ang halos 90 % ng langis ng bansa.

Tinarget ng U.S. ang lahat ng military installations, habang hindi muna sinira ang mismong oil infrastructure, ngunit nagbabala na maaaring maging target ito kung ipagpapatuloy ng Tehran ang pagpigil sa pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz.

Ang aksyon na ito ay nagdulot ng mas matinding tensyon sa Gitnang Silangan, na may potensyal na magpataas pa sa presyo ng langis at makaapekto sa global na supply ng enerhiya.