Pansamantalang sinuspinde ng Estados Unidos ang pagproseso ng immigrant visas mula sa 75 bansa bilang bahagi ng pinalawak na paghihigpit ng administrasyong Trump sa imigrasyon.
Kabilang sa mga apektadong bansa ang Brazil, Colombia, Egypt, Haiti, Somalia at Russia. Ang suspensyon ay sumasaklaw lamang sa immigrant visas tulad ng mga visa para sa trabaho o pagsama sa pamilya sa US. Hindi kasama sa suspensyon ang non-immigrant visas gaya ng student at tourist visas, kaya’t hindi maaapektuhan ang mga biyaherong pupunta sa US para sa World Cup ngayong tag-init.
Ayon sa isang opisyal ng US, magsisimula ang paghinto ng pagproseso sa Enero 21.
Ang hakbang na ito ay kasunod ng utos ng State Department noong nakaraang taon na higpitan ang pagsusuri sa ilalim ng probisyong “public charge” ng batas sa imigrasyon. Layunin umano nitong pigilan ang pagpasok ng mga imigrante na itinuturing ng administrasyon na posibleng maging pabigat sa pampublikong pondo.
Ilang bansa na sakop ng suspensyon ay kabilang na rin sa pinalawak na listahan ng travel ban ng administrasyon.
Mga bansang apektado ng suspensyon ng immigrant visa processing ay kinabibilangan ng: Afghanistan, Albania, Algeria, Antigua and Barbuda, Armenia, Azerbaijan, Bahamas, Bangladesh, Barbados, Belarus, Belize, Bhutan, Bosnia, Brazil, Burma, Cambodia, Cameroon, Cape Verde, Colombia, Cote d’Ivoire, Cuba, Democratic Republic of the Congo, Dominica, Egypt, Eritrea, Ethiopia, Fiji, Gambia, Georgia, Ghana, Grenada, Guatemala, Guinea, Haiti, Iran, Iraq, Jamaica, Jordan, Kazakhstan, Kosovo, Kuwait, Kyrgyzstan, Laos, Lebanon, Liberia, Libya, Macedonia, Moldova, Mongolia, Montenegro, Morocco, Nepal, Nicaragua, Nigeria, Pakistan, Republic of the Congo, Russia, Rwanda, Saint Kitts and Nevis, Saint Lucia, Saint Vincent and the Grenadines, Senegal, Sierra Leone, Somalia, South Sudan, Sudan, Syria, Tanzania, Thailand, Togo, Tunisia, Uganda, Uruguay, Uzbekistan at Yemen.











