CAUAYAN CITY – Mas uminit pa ang usapin ng pulitika sa Estados Unidos na sinasabayan ng tuminding military situation sa Middle East.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jon Melegrito sobrang init ng usapin ng pulitika sa US dahil sa nalalapit na Election.
Sa katunayan ay nagkaroon ng demonstration dahil sa pagbisita sa bansa ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu dahil sa tumitinding giyera sa pagitan ng Israel, Hamas at ng Hezbollah.
Maging si Vice President at Standard Bearer Kamala Harris ay kinausap na rin si Netanyahu kaugnay sa usapin ng seguridad upang ipagpatuloy ang peace deal sa Hamas militants para ma-release ang mga Israeli Hostage.
Sa ngayon ay mas tumindi pa ang military situation sa Middle East dahil sa tumitinding sigalot sa pagitan ng Israel at Lebanon dahil sa Missile barrage ng Hezbollah.
Dahil dito ay naglabas na ng travel advisory ang Estados Unidos at ipinagbawal pansamantala ang pagbiyahe sa Lebanon.
Dahil sa matinding suporta ni Biden sa Israel ay nabawsan o bumama na ang suporta ng mga kabataan kay US President Joe Biden sa kabila ng panawagan ng ceasefire sa Gaza.
Samantala, maliban sa matinding siwasyon sa Middle East ay sinusubaybayan na rin ng US ang bansang China para maiwasang sumiklab ang kaguluhan.