--Ads--

CAUAYAN CITY- Pangunahing inilatag ng mga Filipino Mayors sa pamamagitan ng kinatawan na si City Mayor Richard Gomez ng Ormoc City ang may kaugnayan sa peace and order sa ginaganap na 3rd ASEAN Mayors Forum 2017 sa Lunsod ng Taguig.

Ito ay makaraang pangunahing tinakalay sa ASEAN Mayor’s Forum ang employment, torismo, ekonomiya at kung ano ang mga dapat isagawang pagtutulungan sa rehiyon.

Umaabot sa halos 200 City Mayors at Deputy Mayors mula South East Asia ang dumadalo sa ASEAN Mayor’s Forum para makapag-integrate sa bawat isa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni City Mayor Bernard Dy ng Cauayan City na dumadalo siya ngayon sa ASEAN Mayor’s Forum na pinangungunahan United Cities and Local Governance (UCLG ) Asia Pacific.

--Ads--

Anya mahalaga natalakay ang peace and order na inilatag ng mga Filipino Mayors dahil malaking usapin ito hindi lamang sa pilipinas kundi sa buong South East Asia.

Si City Mayor Bernard Dy ay kinatawan ng mga Mayor sa Region 2 sa nasabing forum.