--Ads--

CAUAYAN CITY – Magpapatuloy ang validation ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa road clearing operations hanggang sa unang bahagi ng Marso 2021.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Corazon Torribio ng DILG Isabela, sinabi niya na sinimulan ng mga barangay at municipal officials ang road clearing operations noong ika-16 ng Pebrero 2021 at matatapos sa ika-2 ng Marso 2021.

Sa kasalukuyan ay naghihintay pa ng reports ang DILG region 2 tungkol sa resulta ng validation sa nasabing operasyon.

Ayon kay Engr. Torribio, noong 2019 pa sinimulan ang road clearing  operations bilang tugon sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

--Ads--

Noong unang bahagi ng 2020 ay magkakaroon sana ng 2nd validation ngunit naudlot dahil sa pandemya at buwan noong Nobyembre na lamang muling nasimulan ang road clearing operation at ang validation ay sinimulan noong sa ika-16 ng Pebrero.

Ipinaliwanag ni Engr. Toribio na may binuong task force sa bawat bayan at lunsod na kinabibilangan ng DILG officer, representative ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Binigyan sila ng assignment na bayan upang doon sila magsagawa ng validation dahil hindi nila maaaring i-validate ang kanilang sariling bayan.

Pagkatapos maisumite ang validated reports sa DILG region 2 ay ipapasa naman ito sa central office para sa nationwide assessment upang kunin ang mean at ihahanay ito mula sa pinakamataas na grado hanggang sa pinakamababa.

Ayon kay Engr. Toribio, hangga’t wala pang resulta sa nationwide assessment ay hindi pa matutukoy ang passing grade.

Nilinaw ni Engr. Toribio na ang road clearing operations ay magpapatuloy hindi dahil mayroong validation kundi buong taon itong isinasagawa upang mapanatiling malinis ang mga daan mula sa mga obstruction.

Ang pahayag ni Provincial Director Corazon Torribio.