--Ads--

Binaril ang isang driver ng pasaherong van na bumabyahe sa rutang Pagadian–Margosatubig sa Barangay Anonang, Dumalinao.

Kinilala ang biktima na si Jeomar Saavedra, isang nakatatandang residente ng Dimataling, Zamboanga del Sur.

Ayon sa impormasyon, minamaneho ni Saavedra ang van na may plate number KAR 1010 patungong Pagadian City nang biglang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek gamit ang caliber .45 pistol. Patunay dito ang mga basyong bala na narekober sa lugar ng insidente.

Kasalukuyang isinailalim si Saavedra sa agarang gamutan at minomonitor ang knaiyang kalagayan.

--Ads--

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng salarin.