--Ads--

CAUAYAN CITY – Malaki ang pag-asa ng mga nagtatanim at nagbebenta ng mga gulay sa Benguet na matutugunan ni Pangulong Bongbong Marcos ang suliranin sa sektor ng agrikultura bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ms. Agot Balanoy, tagapagsalita ng League of Associations ng La Trinidad Vegetable Trading Post na may natanggap silang impormasyon na mayroon na namang smuggled na carrots mula sa China na ibinebenta sa Divisoria, Maynila maging sa Sariaya, Quezon.

Dahil dito ay nabawasan na naman ang mga negosyanteng bumibili ng mga carrots sa Benguet.

Ayon kay Balanoy, umaasa sila na kapag nalaman ito ng Pangulo ay magkakaroon na ng kongkretong aksion.

--Ads--

Nakalagay aniya ang mga carrots sa mga karton ngunit pagdating sa Divisoria ay inilipat sa plastik para palabasin na galing sa Benguet.

Ang epekto sa kanila ay nabawasan na naman ang mga nag-oorder sa kanila. Ginawa na lamang na 500 kilos ang dating isang toneladang inoorder sa Benguet.

Nakakaranas din sila ng oversupply ng mga gulay tulad ng wumbok at repolyo kaya mababa ang presyo.

Matumal din ang bentahan dahil nagtitipid ang mga tao bunsod ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sinabi ni Balanoy na hiling nila sa Pangulo na bigyan ng prayoridad ang pagpapatigil sa smuggling dahil sa malaking epekto nito sa mga magsasak

Hindi nagbabayad ng buwis ang mga sangkot sa  smuggling kaya bagsak ang presyo ng mga produkto.

Makakatulong din aniya ang  programa ng pangulo na mag-angkat ng farm inputs sa mga bansa sa Uropa at government to government ang transaction kaya posibleng mas mura ang presyo ng abono.

Hiniling din ni Balanoy ang pagsuporta ng mga mamamayan sa mga lokal na produkto ng mga magsasaka sa gitna ng pagdagsa ng mga smuggled at legal na produkto mula sa ibang bansa.