CAUAYAN CITY- Pawang mga human error ang naitatalang dahilan ng PNP sa mga road accident sa kahabaan ng Gamu, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Louie Jay Felipe ang hepe ng Gamu Police Station, sinabi niya na pangkalahatang mapayapa ang bayan ng Gamu at may mangilan-ngilan lamang na insidente ang kanilang naitatala.
Ang maituturing na most prevalent incident ay ang vehicular accident kung saan gumagawa sila ng mga hakbang para kahit papaano ay mapigilan ito.
Tuloy tuloy ang implemetasyon nila ng traffic laws and ordinances katuwang ang POSU ng Gamu maging pagbibigay ng visibility sa mga accident prone areas.
Nakipag ugnayan na rin sila sa DPWH para sa installation ng mga road signs and ligthings maging social media posting kaugnay sa road safety.
Aminado naman ang PNP na sadyang may kakulangan ng mga ilaw sa mga kalsadang sakop ng Gamu kaya naman nagsasagawa sila ng pag pupulong para maidulog ang ganitong mga problema sa mga kinauukulan.
Ngayong pasukan plano nila magsagawa ng lecture and symposiums sa mga eskwelahan upang mapangaralan ang mga estudyante na gumagamit ng motorsiklo sa road safety.
Kaugnay ng Comelec Checkpoint at election period ay wala namang naitala ang Gamu na paglabag sa Comelec Gun Ban, maliban dito tuloy tuloy ang pagsasagawa o implementasyon nila ng mga best practices gaya ng project scuba sa mga financial establishment gaya ng mga bangko at bahay sanglaan.
May additional activities pa sila gaya ng pakikipag tulungan sa mga Barangay at Pulis sa Barangay na siyang naka talaga sa pag papaupad ng kaayusan sa bawat Barangay.
May iba’t ibang accomplishment din ang Gamu Police Station kung saan may ilang nahuling wanted person na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.
Sa ngayon bahagi ng bagong mandato ng PNP ang Police Presence at swift response lalo na sa pagresolba ng krimen.











