Arestado ang dalawang lalaki sa isang anti-illegal drug operation na isinagawa ng pulisya at PDEA sa Purok 5, Brgy. Cabaruan, Cauayan City.
Kinilala ang mga suspek na sina Arlem Ligutan,39-anyos, vendor, at Alfredo Estrada Jr.,33-anyos, painter, kapwa residente ng Brgy. District 1, Cauayan City na kapwa naitala bilang Street Level Individual.
Isinagawa ang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng CDEU Cauayan Police Station, kasama ang RMU2, PDEU/PIU-IPPO, RIU2-PIT Isabela East, at PDEA Isabela, sa koordinasyon ng PDEA RO2.
Narekober mula sa mga suspek ang 1 maliit na heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu (buy-bust item) na may timbang na 0.31 gramo at may street value na ₱500, ₱500 buy-bust money, at 1 unit cellphone.
Dinala ang mga suspek sa Cauayan District Hospital para sa medical exam at ihahatid naman sa Santiago City Forensic Unit para sa drug test at laboratory examination ng nakumpiskang ebidensya.
Sa ngayon inihahanda na ang kasong isasampa sa mga suspek partikular ang paglabag sa Sec. 5, RA 9165 at Sec. 26, Art. II, RA 9165 habang inihahanda na rin ang mga dokumento para sa inquest proceedings.











