--Ads--

Ilang linggo bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, naghahanda na ang ilang firecracker vendors para sa kanilang mga puwesto sa designated firecracker zone sa Cauayan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Edwin Asis, City Economic Management and Development Officer, sinabi niyang naghahanda na sila ng stalls sa firecracker zone matapos makakuha ng permits mula sa mga kaukulang ahensya.

Ayon kay Asis, epektibo pa rin hanggang ngayong taon ang permit na kanilang nakuha mula sa PNP, kaya’t target nila na mas magaan at mas maagap na makapagbukas at makapagsimula ng bentahan.

Ngayong taon, umabot sa 40% ang pagtaas ng presyo ng mga paputok. Halimbawa, ang five-star na dating ₱60–₱65 kada pack ay umaabot na ngayon sa ₱100 kada pack, habang may dagdag na ₱2 sa presyo ng kwitis.

--Ads--

Nanawagan din siya sa publiko na, kung sakaling may makitang nagbebenta ng iligal na paputok, agad itong ipagbigay-alam sa mga kinauukulan upang mapatawan ng kaukulang parusa.

Hiniling naman nila sa Bureau of Fire Protection (BFP) na kargahan ng tubig ang mga naka-standby na drum sa kani-kanilang puwesto na kakailanganin sakaling magkaroon ng emergency.