CAUAYAN CITY – Naging pangunahing attraction bukod sa mga magagandang kandidata ng Mutya ng Cauayan 2019 ang mga naging emcee na sina 2010 Miss Universe 4th runner up Venus Raj at ang aktor na si Troy Montero.
Ang nasabing patimpalak-pagandahan na ginanap kagabi sa F.L. Dy Coliseum
ay bahagi ng pagdiriwang ng Gawagaway-yan Festival 2019.
Tinanghal na Mutya ng Cauayan 2019 ang pambato ng Barangay Cabaruan na si Crystal Quim Diwa, 16 anyos at senior high school student.
Nakuha rin niya ang Best in Swimsuit at Best in Evening gown awards.
Tumanggap siya ng Php 50,000 na premyo.
Tatanggap din ang barangay Cabaruan Php 50,000 na halaga ng proyekto.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Diwa na pangarap niya na maging sikat na broadcaster.
Ipagpapatuloy din niya ang adbokasiya ng Mutya ng Cauayan 2018 na HIV Awareness and Prevention at pangangalaga sa kalikasan.
Naging inspirasyon niya sa pagsali sa Mutya ng Cauayan ang kanyang mga magulang at kaibigan na lubos na sumuporta sa kanya.
Tinanghal namang Bb. Gawagaway-yan 2019 ang kandidata ng Buena Swerte, Cauayan City na si Vincent Millen Lacay na tumanggap ng Php 40,000 na premyo.
Ang 1st runner up ay si Emma Marie Stewart ng Minante 1, Cuayan City na tumangap ng Php 30,000 na premyo.
Ang 2nd runner up ay si Danielle San Juan ng Barangay District 1 na tumanggap ng Php 20,000 na premyo.
Ang 3rd runner up ay ang pambato ng Barangay Alicaocao na si Precious Mae Sales na tumanggap ng Php 10,000.
Miss congeniality ang kandidata ng Carabbatan Chika na si Windel Madriaga, Miss photogenic si Danielle San Juan ng Dist.1, Best in talent si Precious Sales ng Alicaocao, Best in creative attire si Joyce Alvares.