--Ads--

CAUAYAN CITY- Hinihikayat ng City Treasury Office ang lahat ng kandidato na dumalo sa verification ng offical ballot na gaganapin bukas, ala-una ng tanghali sa nasabing ahensya.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay City Treasurer Hemelita Valdepeñas, aniya mahalaga na bawat kandidato ay maging aktibo sa bawat aktibidad na isasagawa lalo na kung ang aktibidad ay may kaugnayan sa verification ng accountable materials.

Aniya, sa 13 elections na kanyang nasaksihan sa lungsod ng Cauayan ay naging payapa at maayos naman kaya umaasang makikipagtulungan ang mga kandidato ngayong 2025.

Sakaling hindi maka dalo ang kandidato, maaari naman aniyang isang watcher o representative nalang ang pupunta para masuri kung ang mga accountable materials ba ay nasa tamang lagayan.

--Ads--

Nagpaabot na aniya ng notice ang kanilang opisina kaugnay sa aktibidad bukas at wala silang magagawa sakaling hindi sumipot ang mga kandidato.

Sa ngayon, nasa pangangalaga pa rin ng City treasury office ang mga accountable material at ibibigay ito sa mga electoral boards bago ang May 12 elections.