Pumanaw na ang kilalang martial artist at Hollywood actor na si Chuck Norris sa edad na 86.
Kinumpirma ng kaniyang kaanak ang pagpanaw ng aktor habang ito ay nasa Hawaii.
Hindi na nagbigay pa ng anumang dahilan ng pagkamatay ng aktor at humingi sila ng privacy.
Sumikat ang aktor noong dekada 80 sa mga martial arts at action movies.
Nakilala ito sa pagganap niya bilang si Texas Ranger Cordell Walker sa CBS TV show na “Walker, Texas Ranger”noong 1990.
Sa nagdaang mga taon ay madalan na ang paglabas nito sa mga pelikula na ang huli ay noong 2012 sa pelikulang “The Expandables 2”.
Isa siyang black belter holder sa ilang martial arts at nakatanggap ng Hollywood Walk of Fame noong 1989.
Taong 2010 ng magawaran siya bilang aktual na Texas Ranger.
Kilalang malapit sila ni Bruce Lee ng ilang taon kung saan sabay silang ang nagsasanay noong dekada 60 at bumida sa pelikulang “The Way of the Dragon” noong 1972.
Pumanaw ang ina nito nogon 2024 at ang unang asawa nito na si Dianne Holecheck noong Disyembre.
Noong Marso 10 ng ipinagdiwang ng beteranong aktor ang kaniyang ika-86 kaarawan.
Isinilang noong 1940 sa Oklahoma at nagsilbi sa US Air Forcemula 1958 hanggang 1962.
Dalawang beses ito ng ikinasal kung saan mayroon siyang limang anak na sina Mike Norris at Nascar driver na si Eric Norris.






