Nasawi ang veteran Minnesota lawmaker na si Melissa Hortman at asawa nito matapos barilin sa kanilang mismong bahay sa Brooklyn Park.
Ito ang kinumpirma ni Minnesota Governor Tim Walz kung saan tinawag nito na “politically motivated assassination” ang naturang insidente.
Ang suspek ay kinilalang si Vance Luther Boelter, 57-anyos na nagpanggap bilang isang pulis upang maisakatuparan ang pamamaslang sa mag-asawa.
Maliban dito ay binaril din si Democrat Sen. John Hoffman at asawa nito na si Yvett sa Champlin, Minnesota, 15 kilometero ang layo mula sa Brooklyn kung saan pinaslang ang mag-asawang Hortman.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang munhunt operation ng kapulisan at FBI kung saan mayroong nakalaang $50,000 reward money para sa makakapagturo sa kinaroroonan ng suspek.





