--Ads--

Kinumpirma ni Vice Ganda ang muling pakikipagtambal niya sa premyadong direktor na si Jun Lana para sa isang bagong pelikula, kasunod ng tagumpay ng kanilang huling proyekto.

Si Direk Jun ang nasa likod ng direksyon ng “And The Breadwinner Is,” ang pelikulang kalahok sa nagdaang Metro Manila Film Festival (MMFF), na ngayon ay kabilang sa top ten most viewed films sa sa bansa.

Dahil sa popularidad nito online, muling nag-trending ang pelikula sa social media kung saan pinuri ito ng mga netizen.

Ibinahagi ni Vice ang naturang post at nilagyan ng caption: “Makakaasa ka po. Another Vice Ganda x Jun Lana movie is on its way.”

--Ads--

Bagamat hindi pa malinaw kung isasali ang bagong proyekto sa darating na MMFF 2025, mataas ang posibilidad na muling magkakaroon ng entry si Vice sa filmfest ngayong Disyembre.