--Ads--

CAUAYAN CITY – Matapos pumanaw kahapon ng umaga si Gov. Carlos Padilla sanhi ng atake ng sakit sa puso ay nanumpa na bilang bagong Punong Lalawigan si Vice Governor Jose Gambito sa bisa ng Law of Succession.

Pinangunahan ng panlalawigang direktor ng DILG-Nueva Vizcaya ang panunumpa ni Vice Governor Jose Gambito bilang punong lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Panunumpa ni Governor Jose Gambito.

Samantala nagpapasalamat ang pamilya ni Governor Padilla sa pagbuhos ng nakikiramay sa pagpanaw ng punong lalawigan.

Sinabi ni Jojo Padilla, anak ng yumaong Gobernador na nagpapasalamat sila sa mga pakikiramay at pakikidalamhati sa kanilang pamilya.

--Ads--

Lubos aniya ang kanilang pasasalamat sa suportang ibinibigay ngayon ng mga mamamayan ng Nueva Vizcaya at mga opisyal ng pamahalaan.

Samantala, kinumpirma ni Provincial Health Officer Dr. Anthony Cortez na 9:20 ng umaga kahapon nang bawian ng buhay si Governor Padilla dahil sa atake ng sakit sa puso.

Tinig ni Jojo Padilla, anak ng yumaong Gobernador.