--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay sa naganap na pananambang ang anim katao kabilang ang Vice Mayor ng Aparri, Cagayan sa Bagabag, Nueva Vizcaya ngayong linggo.

Ang grupo ni Vice mayor Vice Mayor Rommel Alameda ay sakay ng Mitsubishi Adventure nang tambangan ng mga kalalakihan sa Sitio Kinacao, Baretbet, Bagabag.

Ang mga pinaghihinalaan ay nakasuot ng uniporme ng pulis at nakasuot ng mask.

Hinarangan ng barikada ng mga pinaghihinalaan ang bahagi ng kalsada sa tapat ng MV Duque Elementary School sa Baretbet at nang dumating ang sasakyan ni Alameda ay doon na sila pinaulanan ng bala.

--Ads--

Sa nakauhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, PMajor Jolly Villar, spokesman ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO na kasalukuyan pa ang kanilang imbestigasyon sa naturang insidente.

Kaagad dinala ang Vice Mayor at mga kasamahan sa Region 2 Trauma and Medical Center ngunit ideneklaramg dead on arrival sa pagamutan.

Kapansin pansin na tadtad ng bala ang sinakyan ng mga biktima .

Samantala , kaagad ni Kinondena ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang naganap na pananambang sa grupo ng Vice mayor ng Aparri, Cagayan.

Nagulat anya siya sa pananambang sa grupo ni Vice mayor at limang kasamahan na papunta sanang Maynila upang dumalo sa Vice Mayor’s League

Hindi anya makatao ang pananambang sa Vice Mayor dahil isa siyang mabuting politiko at may takot sa Diyos.

Ang pahayag ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan.