CAUAYAN CITY– Mariing kinondena ng Vice Mayor’s League Cagayan Chapter ang pananambang at pagpatay kay Aparri Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at 5 iba pa sa Baretbet Bagabag Nueva Vizcaya.
Kasabay nito ay ang panawagan ni Tuguegarao City Vice Mayor Bienvinido De Guzman II, Pangulo ng Vice Mayor’s League Cagayan Chapter sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad kaugnay sa kanilang nalalaman sa pananambang sa grupo ni Vice Mayor Alameda.
Inihayag ni Tuguegarao City Vice Mayor De Guzman na ikinalungkot at hindi matanggap ng kanilang liga ang karuma-ldumal na pagpatay kay Vice Mayor Alameda.
Sa gagawing pagpupulong ay plano ng Vice Mayor’s Laegue na ilapit sa Senado ang kaso ng pagpatay kay Vice Mayor Alameda para mapabilis ang paglutas sa kaso at matukoy ang utak sa karumal-dumal na pagpaslang sa Vice Mayorise alkalde at limang iba pa.