--Ads--

Malalaman ngayong araw kung mapapanatili ng Vietnam ang pangunguna sa ikalawa at  huling araw ng 12th South East Asia Youth Athletics Championship sa Ilagan City Sports Complex.

Batay sa partial unofficial results, nanguna ang Vietnam sa medal standing sa day 1  sa napanalunang   5 gold at 2 silver.

Ikalawa ang Malaysia na may 3 gold, 2 silver at 3 bronze.

Ikatlo ang Indonesia sa may  3 gold, 1 silver at 1 bronze.

--Ads--

Ikaapat ang Thailand na may 3 gold,   wala pang silver at bronze.

Ikalima  ang Singapore na may 2 gold,  4 silver at 1 bronze.

Ikaanim  ang Pilipinas na may 6 silver at 10 bronze.

Ikapito ang Timor Leste  na may 1 silver.

Kulelat ang Brunei Darussalam na wala pang napanalunang medalya.

Mamayang hapon ay magtatapos na ang SEA Youth Athletics Championships sa  City of Ilagan  Sports Complex.