CAUAYAN CITY – Patuloy na namamayagpag ang mga atleta ng Vietnam sa mga laro kaninang umaga sa ikalawa at huling araw ng 12th South East Asia Youth Athletics Championshipa sa Ilagan City Sports Complex.
Sa mga natapos na laro kahapon at kaninang umaya ay patuloy na leading sa medal standings ang Vietnam sa napanalunang 12 gold at 7 silver.
Ikalawa ang Malaysia na may 5 gold, 5 silver at 6 bronze.
Ikatlo ang Indonesia na may 5 gold, 2 silver at 4 bronze.
Ikaapat ang Thailand na may 5 gold, wala pang silver at bronze.
Ikalima ang Singapore na may 2 gold, 6 silver at 4 bronze.
Ikaanim ang Pilipinas na may 8 silver at 13 bronze.
Ikapito ang Timor Leste na may 1 silver at 1 bronze.
Ang Brunei Darussalam na wala pang napanalunang medalya.
Samantala, sumakit ang dibdib ng Vietnamese na si Thu Hang Doan kaya agad isinakay sa stretcher at binigyan ng medical attention matapos manalo ng gold medal sa 1,500 meter run girls.
Ibinuhos niya ang kanyang lakas para malampasan ang atleta ng Pilipinas na silver medalist na si Lealyn Sanita ng Leyte na sumakit naman ang mga paa.
Bukod kay Sanita ay silver medalist si Jeseli Lumapas sa 400 meter run at bronze medalist sa 200 meter run.
Si Bernalyn Bejoy ay bronze medalist sa 400 meter hurdles.
Sa closing ceremony ng 12th SEA Youth Athletics Championships mamayang 6pm sa City of Ilagan Sports Complex ay magbibigay ng entertainment sa mga lokal at dayuhang atleta ang aktres na si Vina Mrales.
Kagabi ay nagbigay ng aliw sa kanila ang aktres na si Julia Montes.