--Ads--

Hinahanap na ng Highway Patrol Group Central Visayas ang lalaking vlogger na nag-mala kuhol sa gitna ng highway sa Consolacion, Cebu.

Sa video na kaniyang in-upload, naka-costume ang vlogger bilang berdeng kuhol at gumagapang siya sa harap ng mga sasakyan.

“Snail man,” ayon sa uploader.

Hindi naman umabot ng isang minuto ang kaniyang content at kaagad siyang tumakbo palayo nang umarangkada na ang mga sasakyan.

--Ads--

Ayon kay Police LtCol. Wilbert Parilla, hepe ng HPG 7, hindi ito tama dahil nagdadala ang vlogger ng “public disturbance”.

Delikado din aniya ang kaniyang ginawa.

Nagpaliwanag din siya sa kaniyang page na gumamit lang siya ng effects sa busina sa kaniyang video.

“Naghanap din ako ng timing na traffic kung saan patungong ‘go’ ang stoplight. Pasensya, effects lang,” ani ng vlogger sa salitang Cebuano.

Maari namang maharap sa mga kasong kriminal ang vlogger sa video, ayon sa PNP.

samantala, Humingi ng paumanhin ang vlogger sa content na nagbihis ng kuol at gumapang sa highway ng Consolacion, Cebu.


Sa video na ipinost sa Facebook ni Brian Emnace o mas kilala sa tawag na Boss LB, pumunta siya sa Consolacion Police Station at nakipag-usap sa mga opisyal.


“Humihingi ako ng tawad sa malaking kasalanang nagawa ko. Hindi magandang gawin iyon at nagdulot ako ng gulo at traffic sa Consolacion,” pahayag ni Emnace.


Ayon kay Police Lt. Sinabi ni Col. Wilbert Parilla, hepe ng Highway Patrol Group sa Rehiyon 7, tinatanggap nila ang paghingi ng tawad ng vlogger ngunit tinitingnan pa rin kung anong mga kaso ang maaaring isampa dahil nagdulot ng traffic jam ang content ni Emnace.