--Ads--

Nalunod ang isang 23-anyos na vlogger matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig habang tumatawid sa sapa sa Barangay Malocloc Sur, Ivisan, Capiz.


Kinilala ang biktima na si Mae Urdelas, isang canteen worker at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat pauwi si Urdelas kasama ang kaniyang kapatid at bayaw bandang alas-5 ng hapon nang maganap ang insidente.


Habang tumatawid sa sapa, nadulas umano si Urdelas at nahulog sa tubig. Dahil sa lakas ng agos , agad siyang tinangay ng rumaragasang tubig.

--Ads--


Agad nagsagawa ng search operation ang mga residente at opisyal ng barangay. Matapos ang halos tatlong oras, natagpuan ang bangkay ng biktima mahigit isang kilometro ang layo mula sa lugar kung saan siya nahulog.


Naganap ang insidente kasabay ng pananalasa ng Bagyong Ramil, na nagdulot ng malalakas na pag-ulan at matinding pagbaha sa Capiz at iba pang bahagi ng Western Visayas. Bago anginsidente nakapagpost pa umano ang biktima sa kaniyang social media.

Nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na iwasang tumawid sa mga ilog o sapa tuwing masama ang panahon at maging mapagmatyag sa banta ng flash flood habang patuloy ang epekto ng bagyo.