--Ads--
Muling naitala ang ilang pagyanig sa Santorini, South Aegean Region, Greece.
Huling naitala ang magnitude 5.2 na lindol na sinundan ng ilang aftershocks na nasa magnitude 4.0.
Ang kabuuang naitalang tremors ay umabot na sa mahigit 11,700, at highly unstable pa rin ang sitwasyon sa lugar.
Kasalukuyan ding epektibo ang state of emergency kung saan sarado na ang mga eskwelahan, travel restrictions, at emergency monitoring sa rehiyon.
--Ads--
May mga naitala nang major structural damage at ayon sa mga scientists asahan pa ang mas malalakas na lindol.
Patuloy ang monitoring ng mga otoridad sa tectonic shifts o mas malalim na geological changes sa kalupaan.











